Abigail's posts with tag: manny pacquiao

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
Posted by Abigail on Oct 13, '07 9:45 AM for everyone
Kwento lang. hehe.
Another jologs trip!
Isang umaga (Oct. 11, 8am), wala pa akong tulog, nageedit ako...nagbreak lang ako (yosi break for my editor and coffee break for me--perfect combination!) nang makita ko na inaayos ang Studio 3 ng GMA 7.  Alam kong para sa SiS yun (ang mga sosyal diyan at di alam nito, sorry nalang), pero bakit parang engrande naman ata?
Ang setup nila, boxing ring na super huge...tapos may malalaking pictures ni Manny Pacquiao. 
"Ate Ning, sinong guest niyo?"  tanong ko sa production coordinator nila.
"Si Manny!" sagot niya.
Si Manny?  Si Manny ba talaga?  Baka naman si PoohQuiao lang yun!  Nagduda kami ng editor ko.  Pero pagakyat namin sa editing room, lahat ng tao, yun ang usapan.
"Pupunta dito si Manny!!!!"
Nakigulo narin ako.  Kinilig akong bigla!  Pinilit naming tapusin ang ineedit namin in just 2 hours.  Para saktong 10:30 (airing ng SiS), nasa baba na kami.
Punta kami agad sa lobby ng GMA, kung saan may red carpet na nakahanda.  Maraming cameramen na nagaabang.  Si Manny nga talaga ang dadating!!!
Pagdating ng Porsche niya, ibang excitement talaga.  Higit pa nang bumaba na siya, papunta sa amin... AT NAKAMAYAN KO SIYA!!!  NAKAMAYAN KO ANG PAMBANSANG KAMAO! Biruin mo nga naman.

At dahil na-starstruck talaga ako, hinila ko ang editor ko papunta sa loob ng Studio 3.  Para manood ng SiS live!!! hahaha.

Biruin mo nga naman.  At dahil lang yan sa coffee break.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help